Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Dambol, nabuking ang pekeng TEAM BUILDING ng jowa

2026Film

Matamis na parang sorbetes ang closeness nina Anton Vinzon at Carmelle Collado. Napadaan ang CarTon duo para maghatid ng good news sa fans. Samantala, sawi sa pag-ibig ang mga bisita sa 'Laro Laro Pick' pero hindi hindi sila masasawi sa mga papremyo sa game arena. Kinilala ng hosts si Dambol, isang CKD (Chronic Kidney Disease) patient. Bukod sa sakit dulot ng problema sa kalusugan, iniinda rin niya ang sakit ng damdamin dahil sa 'panloloko' ng ex na isang dekada niyang minahal, bagama't nanantili silang magkaibigan. Cheating din ang dahilan ng hiwalayan nina Selle at ng dating kasintahan, na nakabuntis ng ibang babae. Payo ni Vice Ganda kay Selle, malaking tulong ang pagmamahal at malasakit ng pamilya sa pagmo-move on. Si Tatin, ang criminology student, ang umabante sa jackpot round. Sa payo ng ina, tinanggap na ni Tatin ang P30,000 Li-Pot offer, na malaking tulong na para mabayaran ang kanyang graduation fee. Pagkatapos ng isang linggong bakbakan ng mga mang-aawit mula sa Kanlurang Kabisayaan, oras na para sila'y bumalik sa entablado at ilaban kampeonato sa ika-anim na Regional Finals ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Hindi mawawala ang 'yong paghanga kay Jay-Ar Apor na inawit ang "Huwag Ka Lang Mawawala." You have a million reasons to love Paulyne Sontosidad's "Million Reasons." Naging mabigat naman ang pagsalang ni Jelan Langusta dahil na-gong siya sa dulo ng "Stone Cold" performance. Paliwanag ni Punong Hurado Ogie Alcasid, na-overpower ng 'nerves' si Jelan. Tingin naman ni Jelan, kumati ang lalamunan niya dahil sa... lumpiang togue! Ready to fly high si Maverick Suansing, singing "Skyline Pigeon." At ang soloista na si Joshua Lomugdang, hindi nabilangan habang hinaharana ang mga hurado with Donny Hathaway's "A Song for You." Idiniin nina hurado Sofronio Vasquez, Erik Santos at Punong Hurado Ogie kung bakit importante ang proper breathing, dynamics at preparation. Sa dulo, si Joshua ang itinanghal na panalo. Region 6, meron na kayong pambato! #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Dambol, nabuking ang pekeng TEAM BUILDING ng jowa

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog