Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

It's Showtime

2026Film

Lahat ng challenges at games ay kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Marilao, Bulacan—hindi BulaCAN'T! Naki-join din sina "It's Showtime" hosts Ryan Bang, Jugs Jugueta at Ion Perez, and special guest Alexa Ilacad. Intense ang pawis ni Alexa sa sobrang kaba dahil for the first time ay naka-survive siya sa unang tanggalan. Pero ‘yung joke ni Jhong Hilario tungkol sa 'chicken,' mukhang hindi naka-survive. Pasensya na daw kung WALEY. Babawi si Kuys Jhong next time, mga beh! Kinilala rin ng hosts si player Rhian na still grieving and healing from a breakup. Pero mukhang si Vhong Navarro na ang gagamot sa kan'yanng puso. Tuloy lang ang buhay, sabi nga ni player Raf, na isang TNVS driver. Sa jackpot round, sapat ba ang diskarte ni Jugs at partner player na si Vangie para masungkit nila ang P450,000 POT money? Happy at kuntento na si Vangie sa P40,000 Li-Pot offer, kaya Li-Pot na rin si Jugs. Sumabak na sa Regional Finals na malupit ang limang daily winners ng Region 8 sa 'Tawag Ng Tanghalan.' Kasama ni Punong Hurado Jonathan Manalo sina Bituin Escalante at Klarisse De Guzman sa pagkilatis sa mga contestants. Si Von Kierulf ang unang alas ng Silangang Visayas. Ready to fight siya sa entablado, singing "Narito." Samantala, nabilangan man nang dalawang beses, second contender Jelian Obligado made sure na hindi mapapawi ang kan'yang kinang habang inaawit ang "Shine." Saksi naman ang langit sa intense na pag-awit ni JV Casas ng "Yugto.”Hinarana ni James Mendigo ang mga hurado sa awiting "Hanggang." Dalawang beses din nabilangan si James. Napangiti agad si Punong Hurado Jonathan sa unang ng linya pa lang ng "Tala" ni Weljie Gonzales. Pero sa 'di inaasahang pangyayari, na-gong si Weljie. Komento ng mga hurado, they were rooting for him. Gustong-gusto nila ang performance nito sa daily round, but this "Tala" number had flat falsettos that were hard to ignore. Baka lang daw mas bagay ang genre kahapon. Kaya payo ng hurados kay Weljie, find his sound. Sa huli, si Von ang itinanghal na pambato ng Region 8 sa next round. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeRegion8Fight

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About It's Showtime

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog