Fire TV? Open Downloader and enter eplayer.live/tv The eplayer app runs on Fire TV Stick and Android TV Not a TV? Standard view

Lola BABY GIRL, naghahanap ng IKA-4 NA ASAWA

2026Film

Dito sa "It's Showtime," hindi drawing ang trip to good vibes. At kung mainit na ang panahon, malamig naman ang boses ni Bugoy Drilon. Ipinarinig ni Bugoy ang bagong kanta na hinugot sa karanasan ng mga taong "Pilit Pinili." Ouch! Ang hapdi! Always piliin ang happiness. Marami n'yan dito sa 'Laro Laro Pick,' mga bes, kasama ang Madlang Senior Citizens ng Pasig. Age is just a number dahil forever feeling young si Lola Baby Girl, na parang real-life movie ang peg ng buhay pag-ibig. Sampung taon pa lamang siya nang ipagkasundong ipakasal sa lalaking tunay rin naman niyang minahal. Pero pumanaw ang unang asawa. Gano'n din ang ikalawa't ikatlo. Opo, tatlong beses naging biyuda ang lola n'yo. Pero bukas ang puso niyang maghanap ng ikaapat. Malay n'yo, this time, maging matamis na ang ending, hindi maalat. "Nandito na ako," sigaw ni Eddie sa game arena. Sa kabila ng 'history' ni Baby Girl, handa siyang kilalanin ang biyuda at subukan ang forever. Lahat ay may kanya-kanyang swerte, but the most lucky ay si player Vicky. Sa jackpot round, siya ang umabante. Ang galing naman kasi humagis ng bola! MVP! Nang Li-Pot offer ay umabot sa P40,000, pinili na niya ito. Mas okay na raw 'yung sigurado. 'Yun nga lang, alam pala niya ang sagot sa Pot question! Sa pagsisimula ng tag-init, hot na hot ang performances sa Region 9 bakbakan ng 'Tawag Ng Tanghalan.' Sina Klarisse De Guzman, Marielle Montellano at Punong Hurado Ogie Alcasid ang kumilatis sa mga dalawang mang-aawit na sumabak sa entablado. Oh, my love! Mapapahawak ka sa puso at siguradong mami-miss mo si 'beh' habang pinapakinggan ang bersyon ni Ken ng "Unchained Melody." Ang ikalawang kalahok ay ang viral sensation na si Khan. "Bakit Pa Ba," hugot niya sa tanghalan. Sa dulo, isa lang ang maaaring itanghal na panalo. Ito ay ang unang kalahok na si Ken, na nakakuha ng 94% na grado. Hindi naman nalalayo ang marka ni Khan na 93.3%. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #ShowtimeChooseTuesday

Audio: Tagalog

More Like This

2022 · Series
The Morning Show
2025 · Series
Clarkson's Farm
2021 · Series
2022 · Series
2024 · Series
Jury Duty
2023 · Series
The Recruit
2022 · Series
Welcome to Wrexham
2022 · Series
Series
Man vs. Wild
2020 · Series
Physical: Asia
2025 · Series
Culinary Class Wars
2024 · Series

About Lola BABY GIRL, naghahanap ng IKA-4 NA ASAWA

Format: Reality
Language: Tagalog
Released: 2026

Tagalog